Sa proseso ng pagpapatawad ay importante na ibaling ang pokus sa kasalukuyan na isipin na simulan na sanayin sa iyong paghinga.
Sa pag-breath out, imagine ang sakit, galit, at ang nakaraan na nailabas sa iyong katawan. Sa bawat pag-breath in ay imagine ang pagpasok o pagkakaroon ng peace sa iyong isipan at puso. Hayaang mailabas ang lahat ng nakalipas at negatibong kinikimkim na bagay sa buhay. Upang makapokus sa present at kapayapaan sa iyong paghinga.
Kailangang maintindihan din ang anomang iyong responsibilidad sa anomang nangyari. Kung meron man dapat na ginawa para maiwasan ang pangit na karanasan. Hindi ibig sabihin ay sisihin ang sarili o tanggalin ang accountability sa nagkamali sa iyo. Kundi magkaroon lamang ng object view upang hindi na muli maulit ang nangyari. Para maging wise at mas mag-ingat saka i-let go ang negatibong isipan para matutuhan na magpatawad.