Dear Vanezza,
Nakailang session na ang anak ko sa kanyang therapy, pero malungkot at na-depress na naman siya. Napansin ko nagsimula ito nang muli silang magkita ng ex niya. Naisip ko lang kung wish ng anak ko na balikan ang ex niya na dahilan din ng depression niya. Ano ba ang dapat gawin ko? - Menchie
Dear Menchie,
Bakit hindi tanungin ang kanyang doktor o therapist upang maintindihan ang kanyang kalagayan. Hindi naman basta nawawala ang depression. Minsan ay may nagpapa-trigger. Kausapin din ang anak upang matulungan siyang mailabas ang kanyang pinagdadaanan.
Sumasainyo,
Vanezza