Overacting na magulang
May bagong bansag sa mga magulang ngayon bilang helicopter o pushy na parents dahilan sa ayaw nahihirapan ang mga anak. Sobrang overacting na magulang na ayaw nasasaktan ang mga anak.
Ang tendency ay maging OA ang reaksyon sa buhay ng mga anak. Ginagawang robot ang bata, pinaliliit ang mundo ng anak, sobrang makapagbigay rin ng pressure hindi lamang para ma-achieve ang mga performance ng grades ng bata. Kundi pati na rin sa personal na buhay ng anak. Ang malas, hindi hinahayaan ang anak maging malaya. Kundi may matra si mader at pader na hindi papadanas sa anak ang mga pinagdaan ng magulang. Kaya pati ang bata ay hindi sanay na mabigo o madismaya.
To the rescue agad si nanay na bumabalik pa talaga ng school kapag may naiwan na gamit, project, o baon ang anak. Ang katuwiran din ng magulang na sila ay laging tama. Nanunugod pa ng teacher o friends kapag feeling na unfair ang treatment sa anak.
Ayon sa mga experts, importante sa anak kung paano i-deal ang pagkadismaya at ipahayag ang kanilang emosyon. Mas mainam na hayaan ang anak na mabigo, magkamali, at ma-reject upang sa sarili nitong proseso ay matuto para sa susunod na pagkakataon ay alam na ng anak ang kanyang gagawin. Sa halip na habang buhay na nakaangkla o umaasa ang anak sa kanilang magulang kahit may sarili nang pamilya.
- Latest