Kung iniisip ang pagkukumpuni ay trabaho ng iba, puwes subukan na gawin muna ang DIY (do it yourself) na masosorpresa na kaya palang i-handle ang mga simpleng pagbubutingting. Upang makatipid ng maraming pera sa maayos na proseso matututo rin ng bagong skills.
Tulad kung planong ayusin ang bahagi ng inyong tahanan o kuwarto. Hindi kailangan ma-intimidate sa ibang project ng kapitbahay. Gaya ng puwede nang refinish ang sahig na isa sa major area ng bahay. Hindi kailangan na gamitan ng semento, ang totoo ay mali itong solusyon. Kailangan lamang ng recoating kahit sa solid na sahig. Ang isa pang pagpipilian ay pag-wax upang bumalik ang kintab ng lumang sahig. Bumili ng kaparehong kulay ng floor para sa pintura o wax. Mas maganda kung bibigyan ng picture ang hardware ng itsura ng inyong sahig. Linisin ang areas saka subukan na ipahid ang pintura o wax sa sulok. I-apply ang coating o wax sa bawat layer. Kailangan ay konti lamang ang pahid hanggang sa buo area. Pagkatapos ay patuyin ng 24 hours. Magic kinabukasan ay mukhang bago na uli ang iyong makintab na sahig. Kung moderate ang pressure ng pagkakapahid ay tama ang magiging resulta or else baka kailangang patungan ng isa pang pasada upang makuha ang gustong outcome ng iyong bagong sahig.