May kapalit na agad si nanay

Dear Vanezza,

Kalilibing lang ng nanay ko noong isang buwan ay may kapalit na agad si tatay na ibang babae. Gusto ni tatay ay iuwi na sa bahay yung madrasta kuno namin para raw may mag-asikaso sa amin. Bakit ganun kay bilis magpalit ni tatay?

Mean

Dear Mean,

May mga bagay na hindi natin makontrol sa buhay. Pero puwedeng kausapin si tatay na baka puwedeng makapagluksa muna ang pamilya bilang respeto sa iyong ina.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments