Zombie Family (364)

Enough na ang nakikita niyang kasiyahan sa mga ito.

At siguradong mahaba-habang kapanatagan ng tiyan ng mga ito dahil kita niyang talagang nagpakabusog naman ang mga kabataan.

Nag-sign of the cross si Nikolai bilang pasasalamat.

Hindi siya relihiyoso, spiritual siya. Pero kahit gaano na ka-high tech ang kanyang mundo ngayon, klaro naman ang pagdarasal na ginagawa niya.

Buong tapang niyang sinabi sa nasa loob ng kanyang katawan: Useless lang ang ginagawa mo. You will never win. Ano’ng silbi ng kapangyarihan mo kung bitin naman. You can stay inside me for all I care. Basta patuloy pa rin akong magpapakain ng mga nagugutom, maging tapat sa lahat, mapa-tao man o kahit ano pang mga bagay.”

Biglang hindi na pagtawa ang naririnig niya ngayon sa bawat sulok ng kanyang katawan. Kundi anger and bitterness na. Hindi pa rin siya apektado sa mga ungol at sigaw. At peace siya. Alam niya kasi ang totoo. God will never forsake him.

“Iyan ang pagkakamali mo. Akala mo lagi kang panalo. Pero hindi na ako natatakot. Kahit ano pa ang pagtawa mong nag-i-echo sa aking kaloob-looban I’m sure I am still the good old Nikolai.”

Kaya ganado siya sa paglipad, pagbuhat, pag­lagay ng mga malalaking basket ng prutas. Kahit saan na puwedeng makita at matanaw ng mga tao, doon niya ipinuwesto.

At hindi naman nabigo si Nikolai.

Dahil talagang mara­ming taong nakakakita sa mga prutas sa basket na nasa iba-ibang lugar.

At sharing ang ginagawa ng lahat.

Pinamimigay karamihan sa mga nagugutom na mga mahihirap.

Nagalit ang hindi nakikitang maitim na kapangyarihan.

“Nikolai … matatalo rin kita. Maghintay-hintay lang ako. May kahinaan ka, makikita ko rin ‘yon. At doon kita papasukin.”

“Then get out of my body. Which you have never won. And you will never ever.”

“Hindi! Hindi ako aalis dito! Gusto ko maririnig mo ako if I want to.”

“Fine. Pero wala ka na talagang maaa­sahan sa akin.”

SA high tech niyang kulungan, si Leilani ay natakot. Kitang-kita niya ngayon si Nikolai pero bakit parang may mga pakpak ito at lawit ang dila? At kay iitim ng mga mata!”

Itutuloy

Show comments