Tunay na pagkatao ng anak
Bigyan ng maraming praise ang anak sa effort nito, hindi lang basta sa mga accomplishments niya.
Para ma-encourage ang anak na ma-build up ang self-esteem ay tandaan na panatilihin ang mga ilang simpleng bagay habang kinakausap ang paslit o teenager.
* Makisimpatya sa nararamdaman ng anak. Tingnan ang mundo ayon sa paningin ng anak.
* Makipag-usap na may respeto. Huwag sumabat at huwag din hamakin ang bata.
* Magbigay ng undivided na atensyon. Nararamdaman ng anak ang love kapag one on one siyang kausap ng magulang. Kung gusto ng anak na makipag-usap ay ibaba muna ang hawak na cell phone, i-turn off ang TV, at alisin ang binabasang diyaryo.
* Tanggapin at mahalin ang pagkatao o kahinaan ng anak kung sino siya. Sa ganitong paraan ay napapayagan na makaramdam ang ang anak na maging secure na nalalaman din niya kung paano mag-reach out sa iba at natutunan kung paano lutasin o harapin ang kanyang problema.
- Latest