Sa nakaraang artikulo ay ibinigay ko kung saang direksiyon dapat ilagay ang kandila. Ngayon ay ibibigay ko ang tamang kulay ng kandilang inyong ididispley at sisindihan base sa wish na nais ninyong matupad:
1--Blue at brown—kung ang nais paunlarin ay career.
2--Blue at green—kung wisdom/katalinuhan ang nais makamtan.
3--Blue at green—kung may kaugnayan sa kalusugan at pamilya ang nais paunlarin.
4--Blue, red, at purple (ube)—kung nais maging maluwag ang daloy ng pera.
5--Red—kung nais sumikat.
6--Red, pink at white—kung love at marriage ang nais maging maayos.
7--White at pastel colors—para lalong lumalim ang magiging malikhain; para maging maunlad ang buhay ng mga anak.
8--White—para pagkalooban ng mga taong susuporta sa kanila sa oras ng pangangailangan.
9--Yellow or earth tones—ito ang kulay na ilalagay sa sentro ng kabahayan o salas.