Ang wedding ring ay ginagawa halos ng 70% ng ikinakasal na isinusuot sa ikaapat na daliri ng kaliwang kamay. Ang tradisyon ay nagsimula sa Roman na paniniwala na ang vena amoris o vein of love ay nasa lokasyon ng ring finger sa kaliwa.
Hindi naman lahat ng kultura ay nagsusuot ng wedding ring sa daliri. Ang ilang Indian na tradisyon ay kailangang isuot ng bride ang singsing sa hinlalaking daliri sa paa.
Ang mga couples mula sa England, France, at U.S. ay isinusuot ang wedding ring sa kaliwang daliri, samantalang ang mag-partners mula sa Germany at Russia ay mas pinipili sa kanang daliri. Sa ancient Rome, ang lalaki ay nagbibigay ng singsing sa kanyang minamahal. Ang singsing ay simbolo ng susi ng lalaki sa kanyang puso. Ang pagpapalitan ng ring ay pagpapatunay na kaya na ng lalaki na suportahan ang bagong bride sa pagbibigay ng regalo ng precious na metal. Ang traditional na pagbibigay ng wedding ring ay gawa mula sa gold na kinokonsiderang pinakadalisay at valuable metal na perfect na simbolo ng marriage. Ang singsing ay bilog na palatandaan na pagsasama ng walang hanggan ng mag-asawa.