Treatment para sa HIV
Ang HIV ay isang virus na sumisira sa immune system na maaaring mag-develop sa AIDS.
Ang bansang ‘Pinas ang nangungunang bansa sa pinakamabilis na pagdami ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa buong mundo.
Kailangang simulan ang treatment sa lalong madaling panahon kapag na-diagnose ng HIV. Ang main treatment ng HIV ay antiretroviral therapy, isang combination ng araw-araw na pag-inom ng mga gamot para mapigil ang pagre-reproduce ng virus. Ito ay makatutulong para maprotektahan ang CD4 cells para mapalakas ang immune system na labanan ang sakit.
Nakatutulong ang antiretroviral therapy na pigilan ang progress nng HIV sa AIDS. Binabawasan din nito ang tsansa na maisalin ang virus sa iba.
- Latest