Bawat segundo ng buhay
Ang isang pandaraya ni Satan sa mga tao ay ang pagbibigay ng idea na maraming oras pa na puwedeng magpakaligaya o magwala.
Ang totoo, bilang na ang ating mga oras. Ang kamay ng orasan ay tickling sa bawat segundo ng ating buhay.
Kaya importante na i-maximize ang ating oras, energy, at effort. Tulad ng pagbibigay pagpapahalaga sa kapwa. Ang pagtulong sa ibang tao ay isang paraan para ma-boost ang sariling energy. Ang paglilingkod sa iba sa pagbibigay ng mga bagay na maaaring maging maayos, magpagaan, o magpasaya sa kanilang araw. Ang maganda ay para rin itong magic ang cycle dahil hindi lamang ito nanghahatak ng energy mula sa ginawan ng kabutihan; bagkus ay nabu-boost din ang ating energy mula sa kanilang response. Nakukuha natin ang lahat ng gusto natin sa buhay kung tumutulong nang sapat sa mga tao na nakatatanggap din ang kanilang inaasahan sa mga simpleng bagay. Paano nga ba tayo nagbibigay ng importansya sa ibang kapwa?
Kailangan din na mag-invest sa iyong physical health. Hindi nakapagtataka kung iniingatan ang sarili, pinapakain ng malinis at whole foods, regular na nag-eehersisyo, may sapat na tulog o pahinga na importante upang mapalakas ang pangangatawan. Ang totoo, hindi magkakaroon ng maximum potential kung ang katawan ay mahina at patay na. Ano nga ba ang ginagawa upang ma-improve ang physical na kalusugan?
Higit sa lahat ay magbigay ng puwang para sa Diyos. Kapag naintindihan na tayo ay tao lamang na may kahinaan, ang ating kapasidad o energy ay limitado. Kaya mas higit na maging desperado na kailangang araw-araw tayong umasa sa Panginoon. Hanapin Siya at magbigay ng puwang sa ating Diyos upang kumilos Siya sa ating buhay. Samantalahin habang bata at may lakas pa na makilala ang Tagapagligtas at Panginong Hesukristo at huwag sayangin ang bawat minuto sa araw-araw. Kailangan natin ng spiritual energy sa pamamagitan ng pagkonek sa Panginoon. Upang ang bawat araw ay maialay sa Diyos para mabiyayaan tayo ng biyaya at supernatural energy na maharap ang hamon ng ating buhay sa mundong ibabaw.
Huwag magpadaya na marami ka pang oras. Sa halip, one at a time na gugulin ang 24/7 sa makabuluhan ang iyong buhay.
- Latest