Kalayaan sa cycle ng negativity

Katulad ng iba, malamang ikaw ay nasaktan ng mahal sa buhay o ng kung sinoman. Maaaring trinato ka ng masama, nagdurugo ang puso, o puwedeng may sumira ng iyong tiwala.

Anoman ang dahilan ng sakit ng kalooban na kapag hindi pa rin napapawi ay nakararamdam pa rin ng kalungkutan. Maaaring may poot pa rin sa puso. Puwedeng paulit-ulit pa rin naglalaro sa isipan kung ano ang nangyari. Nahihirapan din i-let go ang masaklap na karanasan.

Kaya lalong lumalala ang sitwasyon na nakaka-distract at panira ng relasyon. Dahilan para makulong sa ganitong cycle ng negativity, galit, at sakit. Habang nami-miss ang ganda ng buhay, pamilya, at mga kaibigan.

Kailangan matutunan na magpatawad upang makapag-move on at maging masaya. Siyempre mas madaling sabihin kaysa gawin, pero kung susubukan ay tiyak na malaking pagbabagong mangyayari sa buhay. Dahil makakalaya sa negatibong bagay at may kapayapaan sa isipan at puso.

Finally ay saka magi­ging malaya, masaya, at mabuhay na siyang dapat mangyari.

Show comments