“Oo naman. Simula nung nagtrabaho na ako ‘di na ako halos nanonood ng TV kaya kung mawala man ang ABS-CBN ‘di ko rin mararamdaman. Iba-iba kasi tayo eh. Saka lagi ako tulog pagkauwi ko ng bahay gawa nga ng pagod sa trabaho. Kaya talagang wala akong alam sa TV. ‘Di lang naman ABS, kundi pati GMA hindi ko mamamalayan kapag nawala.” - Nathan, Laguna
“Hindi kumpleto ang araw ko. Proud ako na stay-at-home father sa aking tatlong anak, si misis naman ang nagtatrabaho bilang nars sa Saudi. Siyempre, bonding na namin ng mga anak ang manood sa Kapamilya network. Malulungkot ako at talagang big adjustment kapag nawala sila kaya sana naman ma-renew sila.” - Shoti, Quezon City
“Sa tingin ko hindi eh. Nasanay na ako manood ng mga show ng ABS simula umaga hanggang gabi. ‘Wag magtatampo ang Siyete dahil talagang mas nagagandahan ako sa mga serye ng ABS-CBN. No wonder kung bakit maraming meme na naglalabasan sa mga serye ng Dos, ibig sabihin patok ito.” - Nigor, Makati
“Oo naman. Solid Kapuso ako kaya hindi ko mapapansin ‘yun. Sa bagay mahirap din kasi kapag walang kakumpitensya eh. Pero ayun kawawa naman ‘yung 11,000 empleyado ng ABS-CBN kaya sana, ma-renew sila.” - Artur, Antipolo
“Sakto lang, hindi naman ako pala-panood ng TV, pero mararamdaman ko pa rin pag wala na ang ABS. Syempre ‘di naman sa puntong hindi makukumpleto ang araw ko. Hahaha! Kumpleto pa rin!” - Adrian, Cavite