Naririnig na natin ang “time is money” na sinasabi ng mga nakatatanda.
Ang totoo ang oras ay higit pa sa pera bilang currency ng buhay na hindi puwedeng ipalit sa iba.
Kapag time’s up na ay wala na at hindi na maibabalik ang panahon o kahapon. Hindi nakapagtataka ang unang paraan ng tao ay sinusubukan na pataasin ang kapasidad o gain control ng kanilang buhay sa pag-manage ng oras.
Ang ilan ay bumibili pa ng kalendaryo, organizer, apps, at ng libro patungkol sa time management. Nagkakaroon ng effort na hindi hinahayaan na masayang ang bawat segundo o araw.
Ang problema, ang ating araw ay bilang na sa mundong ibabaw. Maaaring pataasin ang capacity, pero ang oras ay naka-fixed kahit pa gustong i-expand, mag-save, at i-manage ang oras.
Ang lahat ng minuto sa araw, buong linggo, at kabuuan ng taon ay nakakudlit at nakatik-tok na rin sa kamay ng orasan kahit pa sa kabila ng effort na gustong makontrol muli ang iyong oras.