Ang pinakamahirap na makalaban sa lahat ay negatibong self-talk na masyadong pinipintasan ang sarili.
Hanggang ang iniisip na realidad ay maging reality mo na. Dahil nga ‘you are, what you think’ hanggang magkaroon ng sariling multo.
Mabuti na lang ay ikaw pa rin ang may kontrol ng iyong mental environment. Puwedeng baguhin kung paano mag-isip at i-master ang tamang paraan ng pananaw.
May ilang bagay upang pahinain ang negatibong boses sa isipan. May tendency na masyadong nadidiin ang mga negative habang nao-over look naman ang positibong bagay.
Ang negative ay nagpapatigil sa atin na makita at maranasan ang positive outcome kahit ang mga posibleng mangyari. Parang mental block na humaharang dahil nasasala ang lahat ng positive at bukod tanging negative ang naiisip, pero ang resulta ay nakasisira sa indibidwal.
Ang best na paraan ay laging tandaan na itama o paalalahan na huwag maging judgmental sa sarili.
Subukan na huwag masyadong magpokus sa extreme na bagay. May tendency na gusto natin makita ang black and white, all or nothing. Madalas ang natatanaw lamang ay hindi masyadong perfect, kundi yung mga tipong extreme na masasamang bagay. Ang totoo, may mga area na gray sa mga pagitan dahil hindi pa nga perfect kaya malabo rin. Ngunit hindi ibig sabihin ay failure na agad ang mga scenario.