Lahat ay namamangha sa bawat stages ng anak mula pagkaanak. Ang bawat bata ay unique at precious bilang blessing sa mga magulang.
Yung unang tatlong taon ng buhay ng bata ay critical sa lahat ng bagay para sa kalaunan. Sa ganitong stages ng bata ay pambihira ang development lalo na sa nuerological na aspeto. Kapag 3 years old ang brain ay nagpo-produce ng billion na cell at hundred trillion na koneksyon na nagli-link sa isa’t isa.
Isang iglap lamang ay marami nang pagbabago sa anak. Hindi namamalayan ay big girl o boy na ang anak. Kaya huwag sayangin ang precious time na makipaglaro at makipagkilitian sa munting angel na minsan lang maging bata. Sa bandang huli ay nagsisisi kung saan nga ba nagkulang sa pangangaral sa anak.