May mga panahon na nagki-crave tayo sa mga pagkaing may sabaw tulad ng sopas, tinola, sinigang, nilaga at iba pa. Paborito natin itong ipaluto o lutuin tag-ulan man o tag-araw.
May sikreto kaming ibabahagi para sa isang creamy soup na hindi ginagamitan ng unhealthy extenders o cream. Kadalasan kasing pampalapot ng mga karne sa sabaw ay ang roux na gawa sa pinaghalong taba at harina.
Ang tanging sikreto lamang dito ay tamang dami ng gulay sa stock (sabaw/tubig), starchy add-in, at blender. Tandaan lamang na sa bawat 5 tasa ng stock ay dapat mayroong 2 lbs. ng gulay o tamang dami lang ng stock para ma-cover ang mga gulay sa kaldero.
Habang pinakukuluan din ang gulay ay maghalo ng bigas o patatas na may natural starch na pampalapot. Salain lang ang mga ito para sa creamy soup.
Pwede ring gamitin ang pinaghugasan ng bigas sa sabaw ng sinigang. At kapag nagluluto ng nilaga o sopas, ‘wag kalimutang maglagay ng patatas. Burp!