Cognitive-behavior therapy

Napatunayan scientifically na puwedeng ma-deal ang ating anxiety.

Ang isang technique ay tinatawag na cognitive-behavior the­rapy (CBT). Matagal na itong ginagamit na matagumpay na nakatutulong sa mga tao. Sa ganitong  technique ay kailangang baguhin ang panirang self-talk na nagpapala sa sitwasyon. Dapat maliwanag ang black at white na pag-iisip upang mapansin ang negatibong pag-iisip.

Laging payo ng psychologist na maging “kind” sa sarili. Huwag pintasan o maliitin ang sarili kahit pa maraming kakulangan.

Hindi ibig sabihin na magkaroon ng self-pride, bagkus ay magpakumbaba pa rin na aminin ang mali, pero huwag nang pahirapan pa ang sarili. Move on agad, upang makapag-isip kung paano pa ma-improve ang mga kahinaan at pagkakamali. Upang mapigilan na paulit- ulitin na isipin ang maling nagawa na lalong nagpapa-torture sa sarili. Sa halip ay huwag nang i-entertain ang pag-iisip ng negative patungkol sa sarili.

Show comments