Sharp pa ba ang memory?

Nakararamdam ba na nahihirapan sa pagtaas at pagbaba ng energy level? Nagkakaroon ng brain fog? Napapansin ang mood swing sa maghapon. Hindi na rin sharp ang memory?

Kung naka-relate sa mga nabanggit, kailangang ma-address sa kung ano ang kinakain. Ayon sa kasabihan, “you are, what you eat” dahil apektado ang indibidwal sa kung ano ang isinusubo.

Ang good news ay may pagkain para ma-boost ang brain na kapos sa tamang pag-iisip.

Tulad ng fatty fish na mayaman sa omega-3 fats DHA bagay kainin dahil ang brain ng tao ay 60% fat. Ang fatty fish ay malakas na nakatutulong na ma-improve ang memory at reaction time sa isang sitwasyon. Ang best na source ng DHA ay gaya ng salmon, sardinas, mackarel, galunggong, at iba pa.

Best brain boosting din ang walnut na nagkataong mukhang brain ang itsura. Ang walnuts ay mayaman din sa omega-3 fats. Punung-puno ang walnuts ng antioxidants at vitamin E na panlaban sa dementia. Mayroon ding melatonin na nakatutulong para sumarap ang tulog sa gabi. Sa research, ang pagkain ng walnut ay inuugnay sa mas magandang function ng cognitive ng brain.

Maging ang pagkain ng itlog na naglalaman ng healthy fats, antioxidants, vitamins, at minerals lalo na ang eggyolk. Ang itlog ang isa sa best na pagkain para sa brain dahil mayroon itong vit. B at choline na hinaharangan sa nuerotransmitter na panlaban naman sa stress level.

Marami pang brain-boosting food, kailangan iwasan lamang ang mga kinakain na nagiging basura lamang ang epekto sa brain at katawan.

Show comments