^

Para Malibang

Nanay natanggalan ng tenga dahil sa sobrang pagkaadik sa pagpapaitim!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Naglabas ng kanyang saloobin ang isang babaeng nagkaroon ng stage 3C melanoma dahil sa tanning addiction o pagpapaitim. Ang 3C melanoma ay isang uri ng skin cancer na kumakalat sa skin cells papuntang lymph nodes.

Natanggalan ng tenga si Anthea Smith mula Bolton, England dahil sa stage 3C me­lanoma. 14 years old pa lang daw kasi siya noon ay gumagamit na siya ng sunbeds, mga ginagamit ng gustong maging tan ang kulay.

Taong 2015 nang ma-diagnosed siya nito matapos mapansin ang kulay itim na tumubo sa kanyang tenga.

Wala raw siyang kaalam-alam na may epekto pala sa kalusugan ang paggamit ng sunbeds.

Inoperahan siya ng dalawang beses noong August at November 2015 kung saan kinaila­ngang tanggalin ang kanyang outer at inner ear, lymph nodes, tragus, salivary glands at temporal bone. Ta­nging maliit na butas lang ng kanyang eardrums na naka-expose ang natira. Kumuha lamang ng mga sobrang balat sa kanyang hita para itapal sa nakabukas na sugat nito.

Ayon kay Smith, nang matapos ang kanyang operasyon, pakiramdam daw niya ay mukha na siyang ‘alien’

“The guilt I feel for my husband and my children really, that this… was self-inflicted.

“I was addicted to having a tan and being tanned. Predominantly it was sunbeds because it was quicker and the results were faster.

“Nobody should have to live with what I’m living with, all for a tan,” pagbabahagi ni Smith.

Bingi na ang kanang tenga ni Smith, at may posibilidad pa rin daw na bumalik ang cancer. Ganunpaman, natutunan na raw niya ang kanyang leksyon at nagbigay babala na rin sa ibang nahihilig sa pagpapa-tan.

MELANOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with