Narito ang ilang palatandaan ng taong bigung-bigo sa kanyang buhay:
Siksikan at maliliit ang letra.
Ang horizontal line sa small letter t ay nasa ibaba at madiin ang pagkakasulat.
Naka-print ang sulat-kamay gamit ang small letters at pagkatapos ay madiin ang pagkakasulat.
Ang pirma ay nakapaloob sa circle
Mga iba pang ugali:
Kung ang iyong capital letter I ay isinusulat mo nang mas maliit kaysa iba pang capital letters—kulang ang tiwala mo sa iyong sarili.
Kung ang iyong capital letter I ay mas malaki nang kaunti kaysa ibang capital letters o magkakapantay ang size ng capital letter I at iba pang—may sapat kang tiwala at respeto sa iyong sarili.
Kung sobra ang laki ng capital letter I kaysa ibang capital letters—marami ang naiinis sa iyong kayabangan.
Maaasahan ang isang tao kung ang mga letra niya ay pare-pareho ang size at pantay-pantay ang hanay ng kanyang pagkakasulat kahit walang linya ang papel na sinulatan.
Friendly siya kung mahaba ang huling stroke ng m, n, w at u.