Maling practice ng magulang
Hindi namamalayan na mayroong mga parental techniques na nag-uudyok sa anak para mas maging selfish at manipulative sa kanilang pag-uugali.
Ang karaniwang pagsisinungaling ng magulang tulad ng pagsasabi sa anak na kapag hindi ito nag-behave ay tatawag siya ng pulis. Mukhang harmless, ngunit mayroong long term na consequence kalaunan.
Ang ganitong kasinungalingan na habang lumalaki ang mga anak na mas nagiging manipulative at makasarili ang bata. Ang katuwiran nina tatay at nanay ay para mas mapadaling sumunod ang mga anak. Upang hindi na rin maging kumplikado kaysa magpaliwanag pa sa mga bata. Kapag nagsasabi ang mga parents ng “honesty is the best policy” pero kabaligtaran naman ang ipinapakita ng magulang. Dahil malayo sa katotohanan ang behavior na ipinapakita ni tatay o nanay kaya mas komplikadong mensahe ang ipinahihiwatig sa mga anak.
Kung hindi honest ang magulang ay nabubura ang tiwala at naipo-promote naman ang hindi pagiging tapat sa anak. Tatakutin pa ang anak na kapag hindi nakinig o nag-behave ang bata ay iiwanan ito kung saan sila nagtatalong mag-ama. Sasabihin na walang dalang pera si nanay at babalik na lang sila sa ibang araw, pero ang totoo ay walang balak na bumili dahil wala talagang budget.
Sa research, ang mga batang kinasanayang naririnig ang mga ganitong kasinungalingan ay tripleng sinungaling din na ibinabalik sa kanilang magulang. Mas nararanas din ng mga anak ang kahihiyan, nakokonsensya, nag-iimpluwensya ng mali o negatibong paraan, at mas makasarili.
Dahil sa maling practice ng magulang na nagsisinungaling na kalaunan ay may negatibong kahihinatnan habang lumalaki ang mga anak.
Kailangang maging aware ang magulang ng mga posibleng implikasyon ng mga naririnig ng anak. Sa halip na magtiyagang magpaliwanag ng tama sa mga anak. Pakinggan ang nararamdaman ng bata o teenager kung ano maaaring asahan sa isang sitwasyon. Magbigay ng mga options ng pagpipilian o problem-solving na puwedeng pag-isipan ng anak at magulang.
Magpakita ng tamang behavior sa anak. Dahil ang pagsasabi ng may bahid ng pagsisinungaling ay nag-uudyok para matutong lumabag sa mga rules at batas ang bata hanggang maging adult na ang anak.
- Latest