Peste sa Kabahayan

Hindi natin namamalayan na papalapit na ang summer season. Kapag tag-init na ang panahon ay kadalasan na nakakasira sa loob at labas ng tahanan lalo na sa areas  kung saan maraming bintana.

Ang init ng panahon ay maaaring maging dahilan ng iba’t ibang problema at isyu sa kabahayanan na kailangang masolusyunan agad.

Kung mababawasan ang init sa loob ng bahay ay magiging komportable ang mga taong nakatira rito, pero puwede ring mapigilan ang mga ito sa ilang sira sa tahanan.

Ang problema, tuwing summer ang mga peste, insekto, daga, at anay ay naghahanap ng paraan na pumunta sa ating mga bahay.

Habang maaga pa ay ikumpuni at iselyo na ang mga cracks o butas na puwedeng pasukin o gawing lungga ng mga pesteng nilalang. Sa taas din ng init ng araw ay pagsisimulan ang amag sa mga sulok ng bahay. Tuwing  summer din ay nagsisimulang pumalya ang mga air conditioning.

Ang solusyon sa problema na habang maaga pa ngayon ay tumawag ng mga professional  workers o karpintero na titingin upang maayos ang bahay. Dahil mayroon silang critical eye na ma-check up ang posibleng sira sa ating kabahayan.

Show comments