Zombie Family (350)

MAY baril sa isang table drawer.

Takbo roon si Herman.

Hawak na ang baril nang humarap kay Nikolai.

Itinutok agad.

“Huwag!” Napasigaw si Laurice.

Pero hindi ibinaba ni Herman ang baril, inilagay pa nga sa trigger ang daliri.

Idiniin.

Parang kakalabitin na sa tingin ni Laurice.

Si Nikolai ay hindi kumikilos. Hindi magawang saktan si Herman para hindi ito makapamaril.

Nakatayo lang, naghihintay.

Kaya biglang tumakbo si Laurice sa harapan ni Nikolai, paharap kay Herman. She is sheilding the second man of her life.

Natigilan si Herman. Kahit pa alam niyang may damdamin na sa isa’t isa ang dalawa, nasasaktan pa rin siya.

Handa palang ibigay ni Laurice ang buhay para kay Nikolai. Bigla tuloy nagalit si Herman.

“That’s so stupid, Laurice!”

“Hindi mo ba siya nakikilala? Siya si Nikolai, Herman!”

“It doesn’t matter. Flying zombie na siya, pumapatay at kumakain ng tao!”

“You are not sure of that.”

“Ano ang gusto mo? Papatayin at kakainin ka muna niya saka ako maniniwala?”

“Herman, hindi ba puwedeng kausapin muna natin siya? Obserbahan muna natin bago mo babarilin?”

“Paano mo kakausapin? Ang haba ng dila niya! Baka nga lilingkisin pa tayo niyan, e.”

“Kay Marga noon, malaki ang tiwala mong hindi ka papatayin. Kahit pa marami na siyang pinatay. You lived with her in the island, hindi ka natakot!” Naluluha si Laurice, masama ang loob.

“Kaya iyon din ang gusto mong gawin kay Nikolai? Ibibigay mo ang buhay mo sa kanya? Paano na lang kung nadiinan ko ang trigger? Ako pa ba ang makakapatay? At ikaw pa talaga ang mapapatay ko? Umalis ka riyan, Laurice. May mga anak tayo, they need you alive.”

“Ibaba mo muna ang baril na ‘yan. Ang gusto ko, alamin natin kung ano ang nangyari sa kanya. Tulungan natin siya!”

Hindi pa rin sumunod si Herman.

Pinapakiramdaman kung ano ang maa­ring gawin ng lalaking flying zombie.

Pero walang kayang sabihin si Nikolai dahil sa dilang napakahaba. Gusto sana niyang magpaliwanag na flying zombie lang ang itsura niya pero tao siya. Mabuting tao. Itutuloy

Show comments