^

Para Malibang

Self-Quarantine

PITO-PITO - Pang-masa

Ang novel coronavirus ay nakamamatay na sakit mula sa China kaya mahigpit ang advisory ng Department of Health at maging Department of Education na i-priority ang kapakanan o kalusugan ng mamayan at estudyante na palagiang maghugas ng kamay at ipatupad ang practice ng tamang hygiene.

Huwag mabahala dahil nagpapatupad ng quarantine ang DOH bilang public health strategy upang ihiwalay at isolate ang mga indibidwal na maaaring expose sa nakahahawang sakit at kung ang tao ay galing mula sa China upang mapangalagaan ang publiko.

Maaaring gawin ang self-quaratine kung ang indibidwal ay galing mula sa China o iba pang apek­tadong bansa na exposed ng nCov ay pinapahu­yang mag-practice ng self-quarantine pagdating ng ‘Pinas mula sa mahigpit na pagbabantay sa screening ng mga airport sa bansa.

Ang nCov infection ay mayroong incubation ng lima o 14 days kung galing sa China o ibang bansa na nakararanas ng nCov na laganap ang virus kung may sakit na kailangang ihiwalay ang sarili ng dalawang linggo sa iba tao o publiko.

Kung nakararanas ng respiratory infection na galing nga sa China ay kailangan magpa-check up sa ospital. Kung nagkataon habang nasa proseso ng self-quarantine ay kailangan naman ng restrict movement sa loob ng bahay. I-monitor ang sarili, i-report ang sintomas sa iyong doktor, at patuloy na mag-practice ng good hygiene.

Manatili lamang sa loob ng bahay sa duration ng self-quarantine. Huwag pupunta sa iyong trabaho. Limitahan ang contact sa pamilya. Huwag tumanggap ng bisita. Huwag dumalo sa public o social function. Huwag magbiyahe ng kahit anong public transportation. Mag-self-quarantine at magpa-check sa malapit na ospital upang ma-screen at mabigyan nang sapat na medical management kung galing nga sa China.

Kung hindi naman nagbiyahe mula China ay hindi kailangang mapra­ning sa nCov, ngunit maging agresibo pa rin sa pagpapalakas ng immune system ng pamilya.

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with