Naririnig na natin ang wish ng ilan na sana ay mas marami itong oras sa isang araw para makapagtrabo at kumita. Inaakala na kung sobra ang oras ay puwedeng may sapat nga namang pera ay maaaring kumita at makabili ng bagong kotse.
Ang totoo, lahat ng tao ay patas na mayroong 24 hours sa isang araw. Ang wish na mas higit pa ang oras ay isa lamang figure of speech. Lahat ay hinahabol ang oras na kasabay sa rotation ng kamay ng orasan ay matapos din ang task sa maghapon.
Paano kung hindi sapat ang oras? Ang katotohanan din na karamihan sa atin sa isang banda ay nasasayang ang oras sa mga bagay na hindi naman mahalaga.
Ano nga ba ang ilang bagay na kumakain ng ating oras at kaya nadi-distract sa ating trabaho?
Sa research, nasa toplist ay ang pag-check ng email nang paulit-ulit. Kasunod na ang pag-browse at pag-open ng mail. Ang pag-check ng email ay malaking distraction na nagpapaabala na magpokus sa trabaho. Bawasan ang pag-check ng iyong email kahit isang beses lang sa isang araw.
Ang isang pang salarin kung bakit nauubos ang oras ay ang sobrang paggamit ng cell phone maging sa klase, opisina, at bahay. Kahit may rules na bawal ang paggamit ng CP sa opisina at classrom na hindi kaugnay sa trabaho o pag-aaral. Hindi rin makapagpokus sa ginagawang task o homework dahil sa panay ang tubig ng mobile phones. Walang problema sa CP, mas pinabilis pa nga ng mobile techonology ang buhay natin. Ngunit huwag kalimutan na lahat ng bagay ay dapat balanseng gamitin, at hindi ikaw na kinokontrol ng mobile device.
Upang hindi maubos ang oras at makapokus na matapos ang mga goals sa maghapon.