Romance ng Mag-asawa
Ang iba ay pakiramdam na walang time para sa romance sa kabisihan sa trabaho sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Maaaring mali ang pananaw patungkol sa pagiging romantic at sexy encounter.
Puwedeng ang pagluluto ng parehong nakahubad sina misis at mister sa kanilang candle dinner ay hindi kasama sa agenda ngayong Valentine’s Day, pero ang regular na romance ay exciting pa rin.
Kung idea ng romance ay puro lang roses at bubble baths, iniisip pa lang ay tiyak na hindi ito mangyayari. Pero ang romance ay pagbibigay ng something special o sa hindi inaasahang para sa iyong love kahit hindi kailangang gawin.
Minsan ang paghahanap ng paraan upang makatulong o maging mabuti sa isa’t isa ay higit pa sa inaasahang romantic at sexy ang dating. Kailangan lamang mag-isip kung paano muling mag-spark ang pagmamahal sa iyong asawa kahit sa araw-araw na routine pinagbubuksan pa rin si misis ng pinto. Pinagluluto kung day off ng maybahay. At pinagluluto ng paboritong ulam si mister. Simpleng activities pero pinapanatili ang kilig, sweetness, at biruan bilang language of love sa pagmamahal sa asawa.
- Latest