^

Para Malibang

Mga bagong uri ng pating kayang maglakad sa pampang!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Ang mga pating ay nasa karagatan na simula pa noong ilang daang milyong taon. Noong mga oras na iyon, maraming species diumano ang nag-e-evolve. Pero ang ibang uri raw ng mga pating ay hindi tumigil sa pagbabago hanggang ngayon – ang iba raw ay natutunan nang maglakad at makarating sa pampang.

Ang three-foot-long creatures na ito na hindi pa pinapangalanan na matatagpuan sa parte ng Australia ay ginagamit ang kanilang mga palikpik sa harap at likod para makalakad sa mga coral reef at sea floor tuwing low tide para makakuha ng kanilang pagkain na tulad ng crabs, shrimps, mga maliliit na isda at kung ano pang makita nila.

“During low tides, they became the top predator on the reef,” paliwanag ni Christine Dudgeon, researcher sa University of Queensland in Brisbane, Australia.

Ngayon, dahil sa mahabang pag-aaral ng isang international group of collaborators, nakadiskubre na sila ng siyam na species ng walking sharks simula pa noong 2008.

Ayon sa isang research, nag-evolved raw ang mga ito sa nakalipas na siyam na milyong taon.

Kakaiba raw ang mga ito dahil ayon kay Gavin Naylor, director ng Flori­da Program for Shark Research at the University of Florida, karamihan sa mga common na pating ay mababagal daw ang evolution. Pero ang mga uri raw ng pating na ito ay advanced.

PAMPANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with