Love birds
Ang ilang species ng love birds ay para ring mga tao. ‘Pag nalayo sila sa kanilang mate o asawa ay dumadaan sila sa matinding depresyon. Sa buhay ng love birds ay iisa lang ang kanilang mate.
Mayroong siyam na species ng love birds ang naitala sa kasalukuyan at karamihan sa kanila ay berde ang kulay.
Marami ang populasyon ng love birds sa bansa ng Southwestern America, San Francisco at Africa. Makikita sila saan mang sulok ng mga nasabing bansa.
Fifteen years ang tinatagal ng buhay nila.
Tunay na sweet sa isa’t isa ang paboritong pet na love birds, nagsusubuan pa sila gamit ang kani-kaanilang mga tuka.
Nanggaling sa Africa ang lahat ng uri ng love birds at 1.9 million years na silang nabubuhay sa mundo.
Mas gustong mabuhay ng mga love birds sa mga butas ng puno o sa maliit na bahay.
- Latest