Phobia ng anak phobia ng anak
Ang takot ay karaniwang direktang tugon na puwedeng physically at sa pagiging helpless.
Natural na masindak ang mga anak na feeling vulnerable sa kanilang iniiwasan, phobia, o pinangangambahan.
Bigyan lamang ng element ng kontrol na ma-manage ng anak ang kanilang takot para habang tumatagal ay matutunan ng bata na maging safe kalaunan.
Kung praning ang anak na baka may pumasok na magnanakaw kapag gabi, eh ‘di siguraduhin na naka-double check na nakasara ang pinto at bintana.
Ibigay mismo ang responsibilidad sa anak na i-check ang lock ng bahay sa gabi.
Kapag binalewala ang takot ng anak ay napipilitan na ma-internalize ang kanilang fear sa halip na harapin ito na hindi maiwasan na mawala rin ang tiwala ng mga bata sa magulang.
Bagkus ay kausapin ang anak tungkol sa kanilang takot. Bigyan ang anak ng assurance na mayroon siyang kakampi. Hamunin ang anak kung paano i-deal ang takot sa sarili nitong paraan, diskarte, at timing.
Importante na i-praise ang kanilang effort dahil tiyak hindi ito magiging madali sapagkat kailangan ng anak na lumabas sa kanilang comfort zone.
Sa hinaharap ay matutunan ng anak na ma-build ang kanilang confident at ma-overcome ang sarili nitong takot.
- Latest