Zombie Family (343)

SIGAW nang sigaw pa rin ang flying zombie.

Humihingi ng tulong.

Sa hindi pa nakikitang diyos.

“Alam kong nandidiyan ka lang. Ikaw ang kalaban ng kabutihan, hindi ba? So sumasamba ako sa iyo! Sa iyo ako! Tulungan mo lang ako! Huwag mo akong ipahuli sa kanila!”

Katahimikan pa rin.

Pero nakakakilabot na katahimikan.

Mararamdamang may nakikinig kay Leilani.

SA ILALIM ng dagat, sa centuries old na barko, ang tulalang si Marvin ay unti-unting nag-iiba ang anyo.

Lumalawit ang dila.

Nangingitim ang mga mata at paligid.

Humahaba ang mga kuko.

Tuwang-tuwa ang dark entity. “Hahahaaa! Nagawa ko! Nagawa kitang zombie kahit pa hindi ka gumawa ng kasalanang kasimbigat ng mga babaing naninira ng marriage!”

Yanig naman si Marvin, napatingin sa kanyang mga kamay na nakakapangilabot ang haba ng mga kuko.

“Hindi! Ano ito?”

Nagulat ang dark entity. “Nakakapagsalita ka na? Nakakaintindi ka na kung ano ang nangyayari?”

“Ikaw ang gumawa sa akin nang ganito?”

Matapang na umamin ang dark entity.

“Oo! Pero hindi ka dapat nakapagsalita. Hindi rin dapat bumalik ang utak mo! Bakit parang may huwisyo ka na?”

“Sino ka? Si Satanas?”

Napaismid ang dark entity. “Bakit ba parang siya lang ang kilala ninyo? Marami kami, mga guwapo at matatalino … iba ang pangalan ko!”

“Pero pareho kayong demonyo! Kayo ang gumawa ng mga zombies na pumapatay, nagkakalat ng lagim!”

“Pero napapakinabangan mo naman, ‘di ba? Kung hindi sa kapangyarihan ko, patay ka na. Nabubulok ka na dito sa ilalim ng dagat. Tingnan mo, nakakapagsalita ka pa nga!”

Nag-isip si Nikolai. Kinikilabutan man, umiiral pa rin ang natural na smartness. Gusto niyang makaalis dito sa dagat at mangyayari iyon kapag nauto niya ang demonyo.

ITUTULOY

Show comments