Para sa mga taong kinulang sa height, isa itong sensitive issue na ayaw nilang pag-usapan, partikular sa mga kalalakihan. Nasasaktan ang kanilang ego kapag sila ay nasasabihan ng bansot. Pero ngayon, may nakikita na raw silang solusyon para sa mga ito. Ito ang limb-lengthening o pampahaba ng biyas.
Noong nakaraang tano, halos 30 kalalakihan daw ang nagtungo sa LimbplastX Institute sa Las Vegas kung saan isinasagawa ang limb-lengthening para magpadagdag ng height. Pero hindi ito basta-basta dahil may kamahalan din ang nasabing procedure. Umaabot ng $75,000 o tumataginting na P4-M ang kabuuang procedure, depende pa sa kung gaano kabitin ang iyong tangkad. Six inches daw ang maaaring maidagdag sayo.
Bagama’t may kamahalan, mabilis daw na nag-boom ang bagong paraan na ito.
“Over 90% of my patients, including those who have consulted with me, are male. “Most on average are about 5’6” seeking a height increase of three inches. The desire to appear taller, particularly for men, has always been a hot topic in modern day society and social norms,” pagbabahagi ni Dr. Kevin Debiparshad.
Tumatagal daw ng isa’t-kalahating oras ang procedure kung saan pinuputol ang mga buto sa legs at saka papasukan ng stretching device.
“We cut the leg bones – either femur (upper leg bone) or tibia (lower leg bone) – and insert a device that slowly stretches them out, which makes you taller permanently.
“As far as the procedure goes, it’s an x-ray based surgery where I make 4-6 tiny small incisions into the leg (either thigh bone or lower leg bone) creating a window, to gain access to the hollow part of the bone, where I insert a device that responds to an external remote control that the patient will control at home.
“Once the device is set, I place screws at the top and bottom of the device to lock into position. This is done on each leg. Post-surgery, the external remote control is used by the patient to non-invasively increase their height by 1mm per day at the touch of a button, slowly stretching the legs to increase their height.”