Ang outbreak ng novel coronavirus sa Wuhan, China ay nagdulot ng takot at pangamba sa buong mundo kahit pa sa bandang huli ay napag-alaman na ang virus ay mas mababa pa rin ang fatality rate kumpara sa SARS na may 774 ang namatay noong 2002 -2004.
Ang totoo ay marami nang pasyente ng coronavirus ang naka-fully recover ayon sa mga Chinese officials. Karamihan ng mga namatay ay mga matatanda at ang ilang indibidwal na nagkaroon ng kumplikasyon ng ibang sakit na mahina ang immune system.
Ang pagkakaroon ng panic sa labas ng Wuhan, China ay hindi naging productive.
Kailangan lamang ng precaution upang makaiwas sa sakit. Ang pinakamabisa ay palagiang maghugas ng kamay at huwag hawakan ang mukha.
Hindi naiiwasan ang matakot sa killer virus lalo na sa maagang stages ng outbreak na dahilan ng panic dahil sa “fear of unknown” na hindi muna naging malinaw sa mga tao. Natural ang psychological reaction na madalas ay mas napapasama dahil nga nagpa-panic ang mga tao na sa halip na mag-isip muna ng tamang hakbang kung paano maiwasan ang sakit.