Bilang magulang ay hindi nawawala na may sariling takot din minsan. Maaaring kinatatakutan ang heights o takot na ma-stuck sa maraming tao.
Minsan ang best na paraan na pagtuturo sa anak kung paano malampasan ang kanilang takot ay pagpapakita ng sariling karanasan nina tatay at nanay.
Bigyan ang anak ng example na puwedeng ilagay ang sarili sa kanilang sitwasyon kung paano makita o malaman nito na paraan na ma-overcome ang takot.
Kapag nakita ng anak kung gaano ka-confident at kalmado ang magulang ay nahahamon rin itong subukan na harapin ang kanilang sariling takot.