Milyonaryo sa hinaharap

Ang time para sa mga milyonaryo ay mahalaga kaya hindi sila nagsasayang ng oras.

Wala sa bokabularyo ng milyonaryo ang salitang tamad. Gaya ng katuwiran ng NBA legend na si Kobe Bryant na ayaw sa tamad na isinisi sa iba ang kawalan ng kanilang tagumpay sa buhay.

Pinatunayan ni Black Mamba na lahat ng tagumpay ay mula sa pagsusumikap, hard work, at pagtitiyaga sa bawat task o goals.

Hindi puwedeng nakatunganga at maghihintay na maging milyonaryo mula sa iyong suweldo or else aabutin ka pa ng retirement time o forever. Kaya ang iba ay nangangahas na makipagsapalaran na iwan ang trabaho at magsimula ng kanilang sariling negosyo.

Kailangang maging determinado para maging mil­yonaryo na huwag tumigil hanggang hindi maabot ang goals. Sa pamamagitan ng hard work at pagpapatuloy sa buhay na hindi agad natitinag. Upang maging milyonaryo sa hinaharap.

Show comments