Personal Hygiene

Sa mabilis na paglaganap ng Novel Coronavirus, ang basic na hygiene ang best na puwedeng panlaban.

Ang sakit sa respiratory ng coronavirus ay madaling kumalat  na pinapangambahan sa buong mundo. Bagamat kontrolado ang sitwasyon sa bansa ay maging agre­sibo pa rin na labanan ang virus.

Mahalagang protektahan ang sarili at palagiang maging updated sa kaganapan.

Importante na iwasan ang magkasakit  kaya i-practice ang personal hygiene.

1. Palagiang maglinis ng kamay.

2. Kung uubo o baba­hing ay gumamit ng tissue.

3. Huwag hahawakan ang mukha kung hindi naghugas ng kamay.

4. Iwasan muna ang mga taong may sakit.

5.  Manatili sa bahay kung may sakit.

6.  Palagiang punasan ang mga doorknobs at maglinis ng kabahayan.

7. Iwasan hanggang maaari ang maraming tao at magsuot ng facial mask.

Show comments