Magkakaiba ang sintomas ng HIV sa bawat tao pero pareho lang sa babae at lalaki.
Pero ang mga sintomas na ito ay lulubog, lilitaw, lalala o mawawala.
Kung ang isang tao ay na-expose sa HIV, puwedeng na-expose na rin sila sa ibang sexually transmitted infections (STIs).
Kabilang dito ang gonorrhea, chlamydia, syphilis at trichomoniasis.
Mas madaling maramdaman ng mga lalaki ang mga sintomas ng STIs gaya ng pamamaga ng kanilang mga genitals.
Ngunit ang masama, hindi nagpapatingin ang mga lalaki pagdating sa kanilang private parts kumpara sa mga babae.
Ang isang HIV symptom na mararamdaman lang ng mga lalaki ay ang singaw na parang rash sa penis pero puwede ring magkaroon sa puwet, bibig o lalamunan.
Ang mga karaniwang sintomas sa babae at lalaki ay body rash, lagnat, sore throat, pananakit ng ulo, pagkapagod, namamagang lymph nodes, singaw sa bibig at genitals, pananakit ng muscles at joint pains, pagkahilo at pagsusuka.