Nagbigay ng babala ang babaeng si Karen Peat mula Scotland para sa mga taong mahilig kagatin ang kanilang mga kuko, matapos diumanong magkaroon ng nakamamatay na impeksyon ang kanyang kaibigan na hindi na niya pinangalanan.
“A message to nail biters out there STOP!!! Someone I know who prefers to remain nameless who bites their nails ended up having to get rushed to Glasgow Royal Infirmary today for emergency surgery because they had bitten their nails down too far and had got an infection in the finger.”
Nagbahagi si Peat ng ilan sa mga larawang nagpapakita sa sitwasyon ngayon ng kanyang kaibigan. Magang-maga ang hintuturo nito at makikitang kulay dilaw na ang paligid ng kanyang kuko na posibleng puno na ng nana.
Nagkaroon ng emergency surgery ang kaibigan niyang ito dahil nagsisimula nang kumalat ang impeksyon sa kanyang braso na maaaring maging sanhi ng pagputol dito. Kung hindi raw nila ito naagapan, baka may mas malala pang nangyari.
Maayos na ang lagay ng kanyang kaibigan at kasalukuyan nang nagpapagaling, at ayon pa kay Peat, tinanggal na raw ang isang kuko nito at hindi na posible pang tumubo.
“Surgery done and on a drip for antibiotics for the next few days and this is how it looks now. PS minus a nail on that finger which may never grow back but on the plus side, one less nail for them to bite!”pagbabahagi niya.
Ayon sa mga eksperto, ang nail-biting o hilig sa pagkagat ng kuko ay maaaring maging sanhi ng napakaraming impeksyon, tissue damage, at abnormal growth.
Possible ring pumangit ang hugis ng kuko at masira ang mga ngipin, at dadalas din ang pagkakaroon ng sipon at iba pang sakit.