Ngayong humaharap sa banta ng novel coronavirus, kailangang magkaroon nang sapat na beauty rest upang mapalakas ang immune system.
Sa research sa Germany, nadiskubre na ang isa sa best medicine sa kahit anong sakit ay ang pagkakaroon nang sapat na tulog. Dahil sa napapa-improve nito ang abilidad ng katawan na paganahin at palakasin ang immune cells upang ma-target at malabanan ang infection.
Para masigurado na may quality ng pagtulog ay tiyakin din na mayroong magandang sleep hygiene.
* I-expose ang sarili sa natural na sinag ng araw sa umaga at kumilos agad.
*Iwasan ang caffeine pagkatapos ng 2pm. Kung iinom ng alcohol ay limitahan lamang ang consumption ng 1 o 2 drinks.
* Magkaroon ng regular na ehersisyo at panatilihin ang workout sa umaga o hapon.
* Iwasan ang kumain ng marami kapag malapit nang matulog.
* Iwasan mag-isip ng negatibong bagay bago matulog.
* I-practice ang stress management technique gaya nang malalim na breathing, yoga, meditation, stretching, at pagbabasa ng libro.
* Mag-shower bago humiga
* I-turn off ang electronics ng atleast 30-60 minutes bago ang bedtime.
* Matulog sa resonableng oras, 2 oras bago 12 midnight
* Panatilihing madilim ang kuwarto hanggang maaari. I-turn off ang TV screen
*I-set ang temperature ng kuwarto ayon sa tamang lamig na gusto.
Ilan lamang ang mga nabanggit para makatulog agad at magkaroon ng beauty rest para ma-recharge ang pangangatawan.