DINIG nina Herman ang pagtawag ng mga kapitbahay kahit napakahina lang dahil halos sound proof na ang matibay na silid ng kanilang anak.
“My God, Herman … she is going to kill them and eat them!”
“Ano ang gagawin natin, Daddy?”
Mabilis na nakapag-isip si Herman.
Hindi makayang ang buhay ng mga kapitbahay ang masasakripisyo.
“Listen, dito lang kayo. Huwag na huwag magbubukas ng pinto. Lalabas ako, idi-distract ko si Leilani!”
Mas lalong natakot sina Laurice.
“Huwag naman, Herman! Baka ikaw naman ang …”
“Oo nga, Daddy! Ayaw namin! Huwag na!”
“May enough experience na ako sa mga zombies, hindi na ako matataranta. I know how to protect myself!”
Hindi nagpaawat si Herman, lumabas din.
Hinila pasara ang pinto at kusa itong nag-lock.
“Hermannn!” Napasigaw si Laurice, nag-panic.
Pero hindi niya masundan ang asawa dahil baka lalabas din ang kanilang mga anak.
Kailangan niyang protektahan ang buhay ng mga teenagers.
“Let’s pray! Let’s pray, mga anak!” Umiiyak na si Laurice.
Tuwang-tuwa siyang nakabalik si Herman, makakasama nila habang wala na si Nikolai … ito naman pala ang talagang mawawala na?
Pasugod na ang flying zombie sa mga kapitbahay sa labas nang malakas itong tinawag ni Herman.
Nagkalat ang mga wasak na gamit, nasa salas si Herman.
“Leilani! Hindi ba ako ang puntirya mo?”
Humarap uli si Leilani. Nanlisik ang mga mata, lalong humahaba ang dila.
“Nandirito ka pala, Herman …”
“C’mon, Leilani! Maglaro tayo! Come and get me … kung kaya mo!”
“Kayang-kaya ko! Kakainin kita, uubusin kita! Uunahin ko ang nasa gitna ng mga hita mo kasi iyan ang pinakamalambot!”
“Nabubulok din ang mga salita mo, bitch!”
Biglang tumaas si Leilani, dadapuan si Herman saka lalapain.
Pero mabilis na gumulong sa sahig si Herman habang nasa ere ang flying zombie.
Itutuloy