^

Para Malibang

Eroplano gustong pakasalan ng isang babae!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Napakasarap sa pakiramdam ng matagpuan na ang ating ‘the one’, at ito ngayon ang nararanasan ni Michele Kobke, 30, mula Berlin, Germany sa piling ng isang eroplano.

Tama ang inyong nabasa, inlove si Kobke sa isang eroplano na kung tawagin niya ay ‘Schatz’ na ang ibig sabihin sa German language ay ‘darling’.

Nag-umpisa raw ang love story nila noong 2014 habang nagtatrabaho siya sa Berlin Tegel airport. Naakit daw siya sa magaganda nitong pakpak, winglets at mga elesi. Pagkatapos daw ng anim na taong pagtanaw-tanaw, nahalikan na rin daw niya ito sa wakas.

Bagama’t alam naman daw ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanilang relasyon, wala raw balak ang mga ito na makilala si Schatz, na kanyang ikinalungkot dahil gusto pa naman daw niya sana ng isang intimate na kasal kung saan magsusuot daw siya ng black trousers at black blazer.

“The time in the hangar was the most beautiful moment of my life and when I was with him, we enjoyed our time together, we kissed and I caressed him.

“The hangar is home for Schatz and me; we can enjoy our time together undisturbed there. I plan to move into the hangar one day and my biggest dream is to be with Schatz and to live with him.

“I also want to marry him in the hangar and spend the whole night with him. I wouldn’t want to put on a white dress, but dress really smartly with black trousers and a black blazer.

“I want to have someone to marry us and say, ‘do you want to marry your 737-800’ and I say, ‘yes’, we kiss and then I’m immortalised with him and we can be together forever,” masayang pagbabahagi ni Kobke.

MICHELE KOBKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with