Kapag pinag-uusapan ang patungkol sa mga goals, importante na malaman ang pagkakaiba ng outcome at behavior-base goals. Ang outcome-based ay specific na kung ano ang gustong mangyari sa bandang huli pagkatapos ng ilang period. Kadalasan ang outcome ay hindi nakokontrol.
Samantalang ang behavior-based goals ay typical na may full control at nakasaad ang mga action na dapat gawin para makuha ang desire na outcome.
Halimbawa na ang target ay magbawas ng timbang, ang behavior-base ay mag-ehersisyo ng 45-minutes ng limang beses sa isang linggo. Puwedeng magluto ng sariling meals para makaiwas sa ibang hindi healthy na pagkain. Maaari kung ang goals ay mag-ipon ay puwedeng magtabi ng 100 kada-araw o 1K tuwing suweldo. Ang diskarte ay i-cut ang mga hindi importante o priority na gastusin para mahugot ang goal na 100 o 1K.
Kadalasan ang ganitong behavior-based goals ay nagtatagumpay kalaunan. Dahil mayroong kontrol kung paano makakamit ang resulta ng iyong goals.