Presensya ng OFW sa tahanan
Milyong overseas Filipino workers ang naghahangad ng mataas na suweldo para sa pag-provide ng pangangailangan ng pamilya at magandang edukasyon ng mga anak.
Sa kabila ng pagbibigay ng magandang oportunidad para sa pamilya, hindi pa rin nawawala ang major impact ng kawalan ng presensya ng magulang sa tahanan ng OFW.
Maaaring may sapat na pangangailangan ang mag-anak, pero wala naman ang magulang upang impluwensyahan ang mga anak kung paano i-manage ang kanilang pera. Ang maling kutuwiran ng magulang ay ayaw nilang maranasan ng mga anak ang paghihirap noon. Ang ending, sunod sa layaw ang mga anak sa materyal na bagay.
Hindi rin nade-develop ang magandang ugnayan ng relasyon sa pagitan ng mga anak dahil mas mahaba ang pananalagi ng OFW sa ibang bansa.
Payo ng mga psychologists, malayo man ang OFW ay kailangan ay mayroong tatayo pa ring magulang na maiiwan sa mga anak na magtuturo ng mahalagang bagay sa loob ng bahay. Wala nang kapalit na kahit anong pera ang isang magulang na magsisilbing tulay kung paano ma-build up pa rin ang close na relasyon sa nangungulilang OFW na malayo sa kanilang tahanan at mga anak.
- Latest