Dear Vanezza,
Ilang taon akong kinakaltasan ng SSS sa trabaho ko. Ang problema nung mag-apply ako ng loan ay hindi raw naghuhulog ang kumpanya namin. Gusto kong isumbong ang opisina namin ang problema ay takot akong pag-initan ng boss ko. Ano po ba ang dapat kong gawin? - Sammy
Dear Sammy,
Maraming empleyado ang may ganitong reklamo. Kailangang mag-report sa SSS tungkol sa inyong opisina. Huwag mag-alala dahil puwedeng hindi malaman ng abosadomg boss mo dahil mismong ahensiya ang magpa-follow-up sa kaso ng inyong kompanya.
Sumasainyo,
Vanezza