Isang buwan matapos mahawahan ng HIV, papasok na ito sa HIV clinical latency stage na maaaring tumagal ng ilang taon hanggang ilang dekada.
Ang iba ay wala pang sintomas sa mga panahong ito habang ang iba ay maaaring may minimal o nonspecific symptoms -- symptom na hindi nauugnay sa isang specific disease o condition lamang.
Ang mga nonspecific symptoms ay pananakit ng ulo o ibang bahagi ng katawan. Namamagang lymph nodes. Pabalik-balik na lagnat, pagkapagod, pagpapawis sa gabi, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, pagbaba ng timbang, skin rashes, pabalik-balik na yeast infection at pneumonia.
Infectious pa rin ang HIV sa mga panahong ito at kahit walang sintomas ay puwede itong maipasa sa ibang tao.
Gayunpaman, hindi malalaman ng isang tao kung siya ay may HIV kung hindi magpapa-test.
Kung naghihinalang nahawa ng HIV, ipinapayong magpa-test.
Ang mga sintoms ay nawawala-wala pero bumabalik balik at puwede namang mabilis na lumala.
Maaaring mapigil ang mabilis na progression sa pamamagitan ng treatment na maaring makatulong para hindi mag-develop sa AIDS.