Maraming mga pagkain na mapagkukuhaan ng iba’t ibang sustansya at mga bitamina na makatutulong sa atin para maiwasan ang mga sakit at ang mabilis na pagtanda ng ating hitsura ng dahil sa stress.
Tulad na lang ng bell peppers, mataas ang taglay nitong vitamin A para sa malusog, at glowing skin. Bagay ito sa pizza, pancit, spaghetti at caldereta.
Ang green tea naman ay mayaman sa antioxidants na nakatutulong makaiwas sa wrinkles at mabilis na pagkulubot ng balat. Uminom ng green tea pagkatapos mananghalian araw-araw para gumanda rin ang inyong metabolism.
Panlinis naman ng bituka ang pagkain ng prunes dahil sa taglay na mga bitamina nito. Bagay itong gawing snack sa trabaho o school.
Kung gusto n’yo naman na ma-rejuvenate ang balat, ibabad ng limang minuto ang kamay at paa sa magsindaming lemon juice at tubig.
At para naman sa mabilis na metabolism ay gumamit ng cinnamon sa mga lutuin. Burp!
Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain at pagluluto, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa burpnikoko@gmail.com