Pitbull-rottweiler sumaklolo sa matandang na-heatstroke

Isang 78 years old na ginang sa Amerika ang na-heatstroke habang tumitingin ng kanyang mailbox sa harap ng sariling bahay.

Habang nakakagalaw pa, sinubukang humingi ng tulong ni Mrs. Simmons sa mga kapitbahay ng hanggang 30 minuto ngunit wala ni isa sa kanila ang nakarinig sa kawawang matanda.

Inakala ni Mrs. Simmons na iyon na ang kanyang katapusan hanggang sa narinig siya ni Thor.

Isang pitbull-rottweiler mix si Thor na pag-aari ng kapitbahay ni Mrs. Simmons. Agad niyang pinuntahan ang matanda na halos hindi na makapagsalita. Pagkatapos nito ay kumalipas siya ng takbo papunta sa kanyang amo at nagtatatahol na tila may itinuturo sa labas. Hindi nakuha ng kanyang amo ang ibig sabihin ni Thor kaya lumabas muli ang matalinong aso. Nang sundan ng amo, nakita nila si Mrs. Simmons at agad itong sinaklolohan.

Naisalba ang buhay ni Mrs. Simmons dahil kay Thor.

Ayon sa amo, naisalba na rin ni Thor ang kanilang mga manok kontra sa mga lobo at nabuhay pagkatapos kagatin ng isang uri ng makamandag na ahas.

 

Show comments