Kung ang goal ay mas maging malusog o healthier, hindi naman kailangang sobrang magbawas ng timbang para magkaroon ng difference.
Ang pagbabawas ng 5% ng body weight ay puwedeng magpababa ng blood sugar, cholesterol, at blood pressure na lahat ay risk factor ng stroke at sakit sa puso. Hindi pa nabanggit na nagpapa-boost ng energy level, mood, at self-esteem.
Ang iba ay talagang inaalam kung ilang calories ang kanilang nakakain para sa body weight planner. Kadalasan sa adult na babae ay dapat kumain ng 1,600 - 2,400 calories sa isang araw. Ang adult na lalaki naman ay kailangan magkumsumo ng 2,000 - 3,000 calories sa isang araw.
Ang pagluluto sa bahay ay mas nagkakaroon ng kontrol sa habits at choices ng kinakain. Makapagdedesisyon kung ano ang kakainin, portion ng size, at paano lulutuin. Mas konti ang calories at less saturated ng salt, sodium, at pati may kontrol din sa sugar.
Higit sa lahat nakatipid din sa budget at makakain ng masustansya ang buong pamilya.