“Oo naman. ‘Yan para sa amin ang mahalaga sa relasyon. Two years pa lang kaming kasal, pero pinapangako ko sa kanya na lagi ko siyang idi-date. Tuwing sahod, ‘di nawawala yun kahit sa bahay lang. Minsan nga mamamalengke lang kami at pagluluto niya ako, ako ang maghuhugas ng pinagkainan namin, para sa amin, date na ‘yun.” - June, Pasay
“Depende sa oras. Madalas kasi busy, pero kung may time bakit hindi para hindi naman magtampo si misis. Kung walang time naman, minsan binibilhan ko na lang siya ng mga gusto niyang kainin. At ayun, sa bahay lang kami. ‘Di rin kasi puwedeng wala, kasi matampuhin yung asawa ko. Bigla na lang yan ‘di mamamansin. Haha!” - Enteng, Tondo
“Kung may budget bakit hindi. Minsan kasi wala na kaming ganun-ganun kasi matanda na kami pero kung may pera bakit hindi. Nakaka-miss din manood ng sine nang may kawak na popcorn. Hehehe.” - Jayvee, Bulacan
“Ayun ang kinatatampo ng misis ko. Dati kasi porke’t may mga anak na kami, hindi ko na siya inilalabas. Sa kaka-Facebook ko dun ko nakita na kailangan din pala yun sa isang relasyon. Saka yan si misis mahilig yan mag-share ng mga ganun sa Facebook. Lagi na lang yan naka-‘sana all’. Hindi mo maintindihan kung naiinggit ba o ano eh kaya ayun lumalabas kami tuwing katapusan.” - Renz, Antipolo
“Nasa inyo yun. Kahit naman simpleng kainan lang sa bahay puwede maging date basta maganda ang inyong samahan bilang mag-asawa. Eh kung date kayo nang date, away naman kayo nang away, wala rin.” - Estoy, Parañaque