^

Para Malibang

Suka, shampoo, at oil epektibong panlaban sa lamok

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Napapadalas ang pag-ambon o pag-ulan sa nakaraang mga araw. Dahil dito ay dumarami na naman ang mga lamok na may dala-dalang sakit.

May kamahalan ang mga mosquito repellent na mabibili sa supermarket kaya ngayon tuturuan namin kayo ng epektibong DIY (Do-It-Yourself) mosquito repellent.

Epektibong panlaban sa lamok at langaw ang pinagsama-samang cooking oil, shampoo, at 9% vinegar. Paghalu-haluin lamang ang mga ito in equal quantities hanggang sa bumula. Pwede mo i-spray ito sa iyong katawan. Epek­tibo ang suka panlaban sa lamok at langaw samantalang pangontra naman sa amoy nito ang shampoo. Ang cooking oil ang siyang magsisilbing base ng mixture.

Kung maselan naman sa amoy ng suka ay maaaring gumawa ng mas mabangong klase. Pagsamahin lang ang vanilla powder at baby lotion sa ratio ng 1 to10. Maaari ring ihalo ang vanilla powder sa tubig at i-spray sa katawan.

Samantala, maaari ring gumamit ng essential oils tulad ng anise, basil, at eucalyptus. Kailangan lamang ng 10 drops nito sa bawat isang baso ng tubig.

Maaari itong gamitin sa aroma lamp o heated pan. Kung wala ang mga nabanggit ay puwede itong ilagay sa bulak at ilagay sa gilid ng bintana.

PAG-ULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with